Mga mananayaw, ginising ang Odiongan sa unang araw ng MIMAROPA Festival

Written by Rica Fabro, Paul Jaysent Fos

Alas-5 palang ng umaga ay nag-ikot na sa mga kalsada ang ilang grupo sa Odiongan para manggising ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang tugtugin at sayaw.

Nagsama-sama ang grupong ETU Dancers, Mga estudyante ng Romblon State University Science and Laboratory High School para sa kanilang bungad na Diana.

Ang nasabing pambungad na aktibidad ay tradisyon na nagsasabing piyesta na sa isang lugar.

Bahagi parin ito ng selebrasyon ng MIMAROPA Festival 2017 na ginaganap sa Odiongan, Romblon.