Mga pasahero patungong Romblon, stranded sa Batangas Pier dahil sa padating na bagyong Nona

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 13 December 2015

Stranded ang halos 100 pasahero na patungong Romblon sa Batangas Port matapos na itaas sa lalawigan ng Romblon ang Public Storm Warning Signal #1 dahil sa bagyong Nona.

Ayon kay Menchie Fos na biyaheng Odiongan, Romblon, maaga sila dumating sa pantalan upang makahabol sana sa last trip na biyahe ng barko ngayung araw ngunit hindi na sila pinaakyat ng barko ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard dahil sa banta ng bagyo.

Ang ilan naman sa mga pauwi ay mga estudyante at turista na magbabakasyon sana sa Romblon ngayong pasko.