Lupa na Nagkalat sa Kalsada sa Santa Maria, halos Isang Buwan Na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo by Mark Anthony MayoPhoto by Mark Anthony Mayo

Halos mag-iisang buwan na simula nang gumuho ang isang bahagi ng lupa at humarang sa kalsada na malapit sa boundary ng Barangay Sto. Niño at Barangay Paroyhog sa bayan ng Santa Maria, Romblon ngunit hindi parin natatanggal ayon sa mga motoristang dumaraan sa lugar.

Ayon kay Mark Anthony Mayo, rider na nagpadala ng nasabing litrato sa Romblon News Network, muntik na umano siyang maaksidente sa lugar dahil blind spot ito at masikip ang daanan lalo na kung may kasalubong na truck o jeep.

Madulas rin umano sa gulong ang mga nagkalat na lupa sa paligid ng gumuhong lupa.

Panawagan ng ilang rider na dumaraan sa lugar ay sana'y maaksyunan na ng pamahalaang lokal ang suliranin ng mga motoristang dumaraan sa nasabing kalsada.