6 na Construction Worker, tinamaan ng kidlat sa Santa Maria

Written by Renand Pastor | Romblon News

Anim na construction worker ang sugatan matapos na tamaan ng kidlat kaninang umaga sa bayan ng Santa Maria, Romblon.

Ayon kay Alvin Roldan, isa sa mga tinamaan ng kidlat, naghahanda umano sila para sa kanialng trabaho nang biglang tumama ang isang isang kidlat sa isang niyog malapit sa kubo na kanilang sinisilungan.

Maswerteng daplis lang ang natamo ng 5 ngunit ang isa umano sa kanila ay isinugod sa Romblon Provincial Hospital matapos na mahimatay.

Sa lakas ng pagtama ng kidlat sa lugar, nagkaputol-putol pa ang wire na na nakakabit sa kanilang kubo, maliban dito, nasira rin ang isang compressor dahil sa lakas ng kidlat.

Patuloy na inoobersahan ang kasamahan ni Roldan sa Romblon Provincial Hospital.