Flooding hits some roads in Santa Maria town

Written by Renand Pastor | Romblon News

Courtesy: Facebook/Meldy RotoniCourtesy: Facebook/Meldy Rotoni

Nalubog sa baha ang ilang kalsada sa Barangay Concepcion Norte sa Bayan ng Santa Maria, Romblon ngayong umaga dahil sa walang tigil na buhos ng ulan simula pa kaninang hating gabi.

Sa mga litrato ni Meldy Rotoni sa Facebook, makikita na umabot na ang agos ng tubig sa kalsada na nasa harapan ng kanilang bahay.

Wala namang kanselasyon sa ngayon ng klase sa lugar.

Ang pag-uulan ay dulot ng habagat na pinalakas ng dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Resposiblity.