Lupa na Nagkalat sa Kalsada sa Santa Maria, halos Isang Buwan Na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Photo by Mark Anthony MayoPhoto by Mark Anthony Mayo

Halos mag-iisang buwan na simula nang gumuho ang isang bahagi ng lupa at humarang sa kalsada na malapit sa boundary ng Barangay Sto. Niño at Barangay Paroyhog sa bayan ng Santa Maria, Romblon ngunit hindi parin natatanggal ayon sa mga motoristang dumaraan sa lugar.

Ayon kay Mark Anthony Mayo, rider na nagpadala ng nasabing litrato sa Romblon News Network, muntik na umano siyang maaksidente sa lugar dahil blind spot ito at masikip ang daanan lalo na kung may kasalubong na truck o jeep.

Madulas rin umano sa gulong ang mga nagkalat na lupa sa paligid ng gumuhong lupa.

Panawagan ng...

Read more: Lupa na Nagkalat sa Kalsada sa Santa Maria, halos Isang Buwan Na

6 na Construction Worker, tinamaan ng kidlat sa Santa Maria

Written by Renand Pastor | Romblon News
  • Pinterest

Anim na construction worker ang sugatan matapos na tamaan ng kidlat kaninang umaga sa bayan ng Santa Maria, Romblon.

Ayon kay Alvin Roldan, isa sa mga tinamaan ng kidlat, naghahanda umano sila para sa kanialng trabaho nang biglang tumama ang isang isang kidlat sa isang niyog malapit sa kubo na kanilang sinisilungan.

Maswerteng daplis lang ang natamo ng 5 ngunit ang isa umano sa kanila ay isinugod sa Romblon Provincial Hospital matapos na mahimatay.

Sa lakas ng pagtama ng kidlat sa lugar, nagkaputol-putol pa ang wire na na nakakabit sa kanilang kubo, maliban dito, nasira rin ang isang compressor...

Read more: 6 na Construction Worker, tinamaan ng kidlat sa Santa Maria

Ferrol at Sta. Maria; nagsagawa ng Coastal Cleanup

Written by Renand Pastor | Romblon News
  • Pinterest

Sabayang nagsagawa ng Coastal Cleanup drive sa mga lugar ng Ferrol at Santa Maria sa Tablas Island nitong Biyernes, September 15, 2017 bilang bahagi ng International Coastal Clean Up Day.

Sa bayan ng Santa Maria, isinagawa ang paglilinis sa 5 Barangay na kinabibilangan ng mga Barangay ng Concepcion Norte, Concepcion Sur, Sto Niño, Bunga, at Paroyhog.

Pinangunahan ito ng Local Government Unit ng Santa Maria, Ilang Barangay Official, Mga guro at estudyante ng Romblon State University Santa Maria Campus at ng Santa Maria National High School, at mga estudyante ng lahat ng Elementary School sa bawat Barangay.

Sa Ferrol naman pinangunahan...

Read more: Ferrol at Sta. Maria; nagsagawa ng Coastal Cleanup

Flooding hits some roads in Santa Maria town

Written by Renand Pastor | Romblon News
  • Pinterest

Courtesy: Facebook/Meldy RotoniCourtesy: Facebook/Meldy Rotoni

Nalubog sa baha ang ilang kalsada sa Barangay Concepcion Norte sa Bayan ng Santa Maria, Romblon ngayong umaga dahil sa walang tigil na buhos ng ulan simula pa kaninang hating gabi.

Sa mga litrato ni Meldy Rotoni sa Facebook, makikita na umabot na ang agos ng tubig sa kalsada na nasa harapan ng kanilang bahay.

Wala namang kanselasyon sa ngayon ng klase sa lugar.

Ang pag-uulan ay dulot ng habagat na pinalakas ng dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Resposiblity.

...