No. 9 Most Wanted ng Santa Fe, arestado sa Malabon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tiklo sa kamay ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Staion ang Number 09 Most Wanted Person ng bayan ng Santa Fe sa kinasang operasyon sa Malabon City nitong umaga ng Martes, February 13.

Kinilala ni Police Senior Inspector Francis Rey Manito, hepe ng Santa Fe Municipal Police Station ang suspek na si Raymond Mijares Dionisio, 40-taong gulang, at residente ng Langaray St. Barnagay Longos, Malabon City.

Wanted si Dionisio matapos labasan ng warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 82 dahil sa kasong frustrated murder laban sa kanya noon pang 2014.

Inaasahang dadalhin pabalik ng Santa Fe ang suspek at ihaharap sa korte para iharap sa kanyang kaso.

Maaring makalaya si Dionisio kung magbabayad ng P200,000 na piyansa sa korte.