Caretaker ng lupa, pinagbabaril sa loob ng bahay

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Cabalian, Barangay Agmanic, Santa Fe, Romblon ang isang tenant/caretaker nitong umaga ng Biyernes, January 19.

Kinilala ang biktima na si Bagroyo Gabar Jr., 70-taong gulang, na kasalukunyang kritikal ang lagay sa Romblon Provincial Hospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Santa Fe Municipal Police Station, bandang 6:30 ng umaga ng pasukin ng suspek na si Richard Batitia Malicsi, 37-taong gulang, ang bahay ni Gabay saka nito pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril ang biktima sa kanyang tiyan.

Agad na tumakas ang si Malicsi matapos ang krimen ngunit agad namang naaresto ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng Looc MPS, Alcantara MPS, at Romblon Provincial Intelligence Branch na tumulong sa paghahanap sa suspek.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang suspek na ngayong nakapiit sa Santa Fe Municipal Police Station.