Abot-Tuhod na baha, gumising sa mga residente ng Santa Fe

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Abot-tuhod na baha ang gumising kaninang umaga sa mga residente ng Barangay Poblacion, Santa Fe, Romblon dahil sa magdamagang ulan sa lugar dulot ng Low Pressure Area.

Ayon sa isang netizen na nagbahagi ng ilang litrato niya sa Romblon News Network, umaga palang umano'y mataas na ang tubig.

Ilang estudyante rin ang nakunan niya ng litratong naglalakad sa kalsadang lubog sa abot-tuhod na baha. Pinasok rin ng baha ang ilang bahay at ilang sasakyan katulad ng isang van ang tumirik sa gitna ng abot-tuhod na baha.

Maliban sa Barangay Poblacion, nalubog rin ang Barangay Danao Sur ayon kay Romblon News Network Correspondent Jerry Jhay Fornal.