Ilang Punong Kahoy sa Santa Fe, Nagtumbahan sa Kasagsagan ng Ulan kahapon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy: Santa Fe Municipal Police StationPhoto Courtesy: Santa Fe Municipal Police Station

Ilang punong kahoy sa bayan ng Santa Fe, Romblon ang nagsitumbahan dahil sa malalakas na ulan at hangin na naranasan sa lugar kahapon, September 12, habang nanalasa ang bagyong Maring sa Central Luzon.

Sa Barangay Magsaysay sa nasabing bayan, nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station, MDRRMC, at LGU Santa Fe, sa paglilinis ng mga humarang na puno sa National Road.

Ma-swerte namang walang nasaktan sa nagtumbahang puno sa lugar.

May naiulat ring pagbaha sa ilang bahagi ng Santa Fe kung saan may isang van pa ang tumirik sa gitna ng baha.