Tatlong Romblomanon na nagtatrabaho sa Boracay, arestado dahil sa pambubugbog

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Dahil sa paninita sa ginagawang Sand Castle ng tatlong lalaki sa Boracay na mga residente ng Santa Fe, Romblon, binubog ng mga ito ang isang Municipal Auxiliary police sa beachfront ng station 2 nitong July 28 ng gabi.

Kinilala ng Tourist Police ang biktima na si Mar Labindao, 31-taong gulang.

Habang ang mga suspek naman ay sina Marlon Magallanes, 17 taong gulang, Johnray Gabaon, 17 taong gulang at Roger Bartolome, 20 taong gulang, lahat mga taga Sta. Fe, Romblon at naninirahan pansamantala sa Barangay Manocmanoc.

Sinita umano ng biktima ang tatlo dahil sa pag-gawa ng sand castle kahit ipinagbabawal ito at paglabag ng tatlo sa ordinansa ng munisipyo ngunit nagalit umano ang tatlo at pinagtulungang bugbugin si Labindao na gumagawa lamang ng kanyang trabaho.

Naawat naman umano ang tatlo ng pulis na nasa malapit sa lugar.

Nasampahan na ng kasong Direct Assault ang tatlong suspek.