Lalaking wanted sa kasong murder sa Santa Fe, arestado sa Batangas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Naaresto kahapon, March 09, ng kapulisan ng Santa Fe Municipal Police Station at San Jose (Batangas) Municipal Police Station ang isang lalake na wanted sa Santa Fe, Romblon dahil sa kasong murder.

Naaresto ang suspek na kinilalang si Gener Teologo sa kanyang tinutuluyan umanong bahay sa Brgy. Sabang, San Jose, Batangas.

Ayon kay Police Senior Inspector Rey Manito ng Santa Fe MPS, nakatanggap umano sila ng tip na maraming namataang wanted person sa Batangas City kaya nagsagawa sila ng intel operation para hanapin si Teologo sa lugar.

Agad naman umano siyang nakipag ugnayan sa San Jose MPS para mas...

Read more: Lalaking wanted sa kasong murder sa Santa Fe, arestado sa Batangas

Lalaking wanted sa kasong rape sa Romblon, tiklo sa pulisya sa Aklan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Isang wanted umano sa kasong rape sa Tablas Island, Romblon ang inaresto na kapulisan sa isla ng Boracay Island, Aklan nitong February 24, 2017.

Ayon sa mga report, ang suspek umano ay si Carisio Seraspi. 63, at residente ng Barangay Canyayao, Santa Fe, Romblon.

Inaresto si Seraspi ng pwersa ng Santa Fe Municipal Police Station kasama ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82.

Wala umanong piyansa ang nasabing kaso.

Nakatakda nang dalhin ang suspek sa Romblon para iharap sa korte.

...

Tablas Island, niyanig rin ng Magnitude 2.8 na lindol ngayong gabi

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Niyanig rin ng aabot sa magnitude 2.8 na lindol ang buong Tablas Island at Carabao Island sa lalawigan ng Romblon bandang 11:20 ngayong gabi. Hiwalay pa ito sa nanyaring lindol na magnitude 2.2 sa bayan ng Banton bandang alas-9 ngayong gabi.

Base sa taya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), ang sentro ng lindol ay sa layong 14km West ng bayan ng Sta. Fe.

Naramdaman ang pagyanig sa bayan ng Santa Fe, Alcantara, Looc, Santa Maria, Odiongan at San Jose.

May lalim ang nasabing lindol na 04km.

Wala pa namang naiulat na pinsala ang lindol.

...

Lalaking wanted pala sa illegal gambling, arestado matapos dumaan sa harap ng istasyon ng pulisya

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Inaresto ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station ang isang lalaking wanted pala sa kasong illegal gambling matapos itong dumaan sa harapan ng kanilang istasyon nitong umaga ng Miyerkules.

Kinilala ang lalaki na si Bernard Marquez.

Ayon sa inilabas na press release ng Santa Fe Municipal Police Station, wanted si Marquez sa kasong paglabag sa PD No. 603 na inamyendahan ng RA 9287.

Nito lamang umanong September 05 inilabas ang warrant, ayon sa pulisya.

Agad namang dinala sa Odiongan District Jail ang suspek matapos na makuhaan ng dokumentasyon ng Santa Fe Municipal Police Station.

...