Supply ng kuryente sa San Jose, 16-oras na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 02 June 2016

Madagdagan na ng apat na oras ang dating 12-oras na supply na kuryente sa bayan ng San Jose, Carabao Island, sa mga susunod na araw.

Ito ay matapos na dumating ang dagdag na 300-kw na generator sets para sa planta ng NAPOCOR sa isla.

Ilang taon na ring kalahating araw lang ang kuryente na nararanasan sa isla at ito ay may malaking epekto sa mga negosyo sa lugar.

Pinasasalamatan naman ng mga residente ng San Jose ang pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc., NAPOCOR, at ang mga nakaupong opisyal ng LGU dahil sa achievement ng lugar.