Magkapatid na hinihinalang nalunod, pinaghahanap parin ng PCG

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 08 January 2016

Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang dalawang lalakeng magkapatid na hinihanalang nalunod.

Ayon sa report ni Mark salazar sa Balita Pilipinas Ngayon sa GMA News TV 11 nitong January 08, namangka umano ang mga biktima kasama pa ang dalawa pa nilang kapatid nitong unang araw ng bagong taon ngunit pagdating sa may bahagi ng Carabao Island ay nasalubong nila ang malalakas na alon at lumubog ang kanilang sinasakyan.

Nasagip naman ang dalawa sa magkakapatid ng dumaan na barko at nasa mabuti ng kalagayan.

Nakaalerto na rin ang mga tauhan ng PCG sa buong Visayas para mahanap ang mga biktima.