PBA Player na si Japeth Aguilar, nakipaglaro sa mga residente ng San Jose, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Isidro Salmingo.Photo Courtesy of Isidro Salmingo.

Bumisita at nakipaglaro ang PBA Player na si Japeth Paul Cabrera Aguilar o mas kilalang Japeth Aguilar sa mga residente ng Carabao Island, Romblon ngayong araw.

Nagpakita rin ng exhibition moves si Aguilar sa harap ng mga manonood.

Maliban sa pakikipaglaro, namigay rin ng bola para sa mga kabataan at mga lalakeng manlalaro ng bayan ng San Jose.

Tuwang-tuwa naman ang mga nakakita kay Aguilar at hindi napigilang magpa-picture sa sikat na basketbolista.

Si Aguilar ay isa lamang sa mga bumisita sa Carabao Island para sa taonang Carabao Festival.

 Photo Courtesy of Isidro Salmingo.Photo Courtesy of Isidro Salmingo.