20-anyos na lalake, arestado dahil sa panghahalay umano sa 15-anyos na pinsan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naaresto ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station ang number 5 most wanted person ng kanilang bayan.

Sa edad na 20 anyos, most wanted person na ang turing sa suspek na si Edito Sulangon Malacad aka 'Onyot' dahil sa halos tatlong taong pagtatago sa kasong rape.

Ayon kay Police Senior Inspector Jedi Galicha, Chief of Police ng San Jose MPS, may kasong rape ang suspek sa korte sa Romblon dahil sa pangagahasa umano sa kanyang pinsang babae na noo'y 15 anyos pa lamang.

Itinanggi naman ng suspek na natago siya.

Ayon sa kanya, nagtrabaho siya sa Manila at umuwi lang ngayong buwan sa San Jose. Hindi niya umano alam na wanted na pala siya dahil sa kasong rape.

Itinanggi rin ng suspek ang paratang sa kanya.

Nakatakdang iharap ang suspek sa korte ngayong araw para sa commitment order na ilalabas para sa kanya.