Wanted sa Kasong Rape, arestado sa San Fernando

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Naaresto ng mga tauhan ng pulisya nitong Biyernes ng hapon sa bayan ng San Fernando, Romblon ang isang lalaking wanted sa kasong pangagahasa sa isang menor de edad.

Kinilala ng Romblon Police Provincial Office ang suspek na si Joland Mago Torrefiel, 30-taong gulang at residente ng Barangay Espana, San Fernando, Romblon.

Inaresto ang suspek sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 81 nitong November 13, 2017.

Hawak na ang suspek ng San Fernando Municipal Police Station at nakatakdang iharap sa korte.