Mga Detour sa San Fernando, sinira ng Baha

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Ilang detour ng mga ginagawang tulay sa Barangay España, San Fernando, Romblon ang sinira ng rumaragasang tubig baha nitong madaling araw ng September23. Kagaya ng mga detour sa Sitio Olango, at sa Sitio Punong sa parehong barangay.

Ayon sa mga residente sa lugar, umaga na nila nang mapansin na nasira na pala ang mga detour ng tubig baha.

Dahil sa pagkasira sa detours, pahirapan ang mga residente ng Barangay España na patungo sanang Poblacion, San Fernando, Romblon.

Patuloy namang pinag-iingat ng local government unit ng San Fernando ang mga residente sa lugar at ugaliing mapag matyag sa tuwing umuulan.