1 ang patay at isa pa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa puno sa bayan ng San Andres, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jasyent Fos, Romblon News | Tuesday, 15 December 2015

Dead on the spot ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang ina matapos na sumalpok sa isang natumbang puno ng niyog ang kanilang sinasakyang motorsiklo asado alas 4 kaninang madaling araw sa National Road ng Barangay Agpudlos sa bayan ng San Andres sa Tablas Island, Romblon.

Nakilala ang namatay na si Virgielyn Gacu Montilla, 32 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Agpudlos, Romblon habang mahigpit na binabantayan ang kundisyon ng kaniyang ina na si Jean Rivas Gacu, 54 taong gulang sa Romblon Provincial Hospital. 

Ayon sa Spot Report ng San Andres Municipal Police Station, patungo umanong simbahan ang mag-ina upang magsamba nang sumalpok sa natumbang puno ng niyog na humarang sa daanan. 

Dagdag pa ng San Andres MPS, maaring hindi umano nila napansin ang puno dahil sa malakas na ulan noong panahon na iyon.

Nagtamo ng sever head at body injury si Virgielyn Montilla na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa pangkalahatan, iisa palang ang naitatala ng Romblon Disaster Risk Reduction and Management Office na nasawi sa probinsya dahil sa bagyong Nona.