New San Andres town mayor sworn in

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nanumpa na ngayong umaga bilang bagong Alkalde ng San Andres, Romblon si Vice Mayor Arsenio Gadon.

Ito ay matapos na tanggalin sa pwesto ng Department of the Interior and Local Government - Romblon alinsunod sa utos ng Office of the Ombudsman kaugnay sa kasong kinasasangkutan ni dating Mayor Fernald Rovillos.

Ayon sa isang staff ng DILG-Romblon, Biyernes ng umaga na-iserve ang dismissal order sa munisipyo ng San Andres.

Ang lima na kasama ni Rovillos sa kaso at tinanggal sa pwesto ay kinilalang sina Melinda Gaac, Municipal Accountant; Mary Claire Mortel, Municipal Planning and Development Coordinator; Caesar Valiente, Municipal BAC Secretariat; Gay Tan, Vice Chairman ng Municipal BAC; at si Genny Rose Vergara, Municipal Supply Officer.

Nag-ugat ang kasong isinampa nina dating Vice Mayor Rene Mingoa, Dinah Fradejas, Ernesta Alladin at Araceli Gabaldon sa Ombudsman matapos nilang malaman na hindi umano dumaan sa public bidding ang pagbili sa 10,000 Bitaog Seedlings na nagkakahalaga ng P550,000 na ginamit umano sa tree planting activity noong June 24, 2014.