DILG-Romblon, hihintayin muna ang utos ng Ombudsman bago alisin sa pwesto si Mayor Rovillos

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Wala pang natatangap na utos ang Department of Interior and Local Government Romblon kaugnay sa desisyon ng Ombudsman na pinaalis sa pwesto ang kasalukuyang alkalde ng San Andres, Romblon na si Mayor Fernald Rovillos at 5 pa na kasama nito sa munisipyo matapos mapatunayang gulity sa kasong Grave Misconduct.

Ayon sa pinadalang text message ni DILG Provincial director German F. Yap sa Romblon News Network, wala pa umano silang natatangap na kopya kaugnay sa desisyon.

"Hindi pa kami makaka-release ng statement if hindi pa siya subject for implementation kasi wala pa din ako basehan," text message ni Yap.