5 sugatan sa vehicular accident sa San Andres

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sugatan ang 5 katao sa bayan ng San Andres, Romblon matapos na masangkot sa vehicular accident kahapon ng tanghali.

Ayon kay Romblon Police Provincial Office Spokeperson PSInp Ledilyn Ambonan, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng National Road sa Barangay Pag-Alad, San Andres, Romblon bandang 11:20 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, habang binabagtas umano ni ThomJon Cruzada, 25 ang kahabaan ng National Road sakay sina Brian Boy Cruzada, 18 at Joseph Marcelino, 18, bigla umano sumabit sa kanilang sasakyan ang nag-overtake na motorsiklo na minamenho naman ni Joycelyn Fausto, 51, sakay si Joey Fausto, 54.

Tumilapon ang mga sakay at driver ng dalawang sasakyan dahil sa pagkakasabit ng motorsiklo ni Fausto.

Agad namang dinala sa San Andres Municipal Hospital ang lima at nagpapagaling na ngayon.

Kasalukuyang naka-impound sa San Andres Municipal Police Station ang mga sasakyang nasangkot sa aksidente.