Lalaking naliligo sa Mablaran Falls, patay matapos malunod

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Patay na ng lumutang sa pinag papaliguang falls sa bayan ng San Andres, Romblon ang isang lalakeng nagbabakasyon sa lugar kasama ang pamilya nito.

Kinilala ang lalake na si Joel Bisnar, 20-tanong gulang, residente ng Barangay Agpudlos, san Andres, Romblon.

Nangyari ang aksidente mag aalas-4 kahapon ng hapon sa sikat na pasyalan sa Romblon na 'Mablaran Falls'.

Ayon kay Jabez Gadon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa San Andres, lasing umano si Bisnar ng tumalon sa malalim na bahagi ng falls, lumutang pa umano siya ngunit sumisisid rin uli. Dumaan na umano ang ilang minuto pero di parin siya lumulutang kaya nagtaka na ang mga kasama niya kaya agad na hinanap nila.

Natagpuan nila sa ilalim ng tubig ang wala ng buhay na katawan ni Bisnar. Sinubukan pang i revive ito sa pamamagitan ng CPR ngunit nabigo ang mga rescuers.

Paalala ng MDRRMC, mag doble ingat sa tuwing maliligo sa dagat o ilog o mga talon at iwasan rin ang malasing.