Dalawang tanod na wanted sa magkahiwalay na kaso, arestado sa Tablas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado nitong Miyerkules sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng San Andres at Alcantara sa Tablas Island, Romblon ang dalawang wanted dahil sa magkahiwalay na kaso.

Ayon kay Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan ng Romblon Provincial Police Office, unang naaresto ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station at Bongabong Municipal Police Station bandang alas-4 ng hapon ni Manuel Gagani Madeja, 68-taong gulang, at residente ng Barangay Poblacion, San Andres, Romblon.

Ayon sa pulisya, wanted si Madeja dahil sa kasong murder at may pending warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 42 Pinamalayan, Oriental Mindoro noong 2007.

...
Read more: Dalawang tanod na wanted sa magkahiwalay na kaso, arestado sa Tablas

Tricycle na may kargang kahoy, bumaliktad

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of PJ FaigaoPhoto Courtesy of PJ Faigao

Sugatan ang dalawang sakay ng tricycle matapos bumaliktad ito sa bahagi ng Sitio Campo, Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon bandang alas-4:40 ng hapon kanina.

Ayon sa report ni Police Senior Inspector Edwin Bautista ng San Andres Municipal Police Station, may kargang tatlong malalaking lumber ang tricycle na naging dahilan ng pagbaliktad nito habang pababa sa palusong na bahagi ng National Road.

Tumilapon ang dalawang sakay nito na kinilalang sina Doroteo Muya Madula, 60; at Johnlie Fetalino, 23; pawang residente ng nasabing lugar.

Agad na tinulungan naman ang dalawang sakay ng isang dumaan na truck at agad na dinala sa San Andres...

Read more: Tricycle na may kargang kahoy, bumaliktad

Lalaking tadtad ng taga, natagpuan sa San Andres; mga suspek, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang lalaki ang natagpuang tadtad ng taga sa isang liblib na sitio sa Barangay Tan-agan, San Andres, Romblon kaninang umaga.

Kinilala ng mga residente ng nasabing barangay ang biktima na si Ranie Santiago Gan, 25 taong gulang, at residente ng Sitio Hablon ng nasabing Barangay at kilala sa lugar bilang "RanRan".

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:30 ng January 01 ng umuwi si RanRan galing sa inuman kasama ang kanyang mga kamag-anak at pagdating sa Sitio Hablon ay nakasabay niya ang dalawang lalaking kinilalang sina Renan Ganan, 39; at Jonel Ganan, 22.

Nagkaroon umano ng sagutan sina RanRan at...

Read more: Lalaking tadtad ng taga, natagpuan sa San Andres; mga suspek, arestado

New San Andres town mayor sworn in

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nanumpa na ngayong umaga bilang bagong Alkalde ng San Andres, Romblon si Vice Mayor Arsenio Gadon.

Ito ay matapos na tanggalin sa pwesto ng Department of the Interior and Local Government - Romblon alinsunod sa utos ng Office of the Ombudsman kaugnay sa kasong kinasasangkutan ni dating Mayor Fernald Rovillos.

Ayon sa isang staff ng DILG-Romblon, Biyernes ng umaga na-iserve ang dismissal order sa munisipyo ng San Andres.

Ang lima na kasama ni Rovillos sa kaso at tinanggal sa pwesto ay kinilalang sina Melinda Gaac, Municipal Accountant; Mary Claire Mortel, Municipal Planning and Development Coordinator; Caesar Valiente, Municipal BAC Secretariat; Gay Tan, Vice Chairman...

Read more: New San Andres town mayor sworn in