Dimple Star. magbabawas ng biyahe patungong Tablas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Simula nitong nakaraang Linggo ay nagbawas na ng biyahe ng kanilang bus ang Dimple Star Transport patungong Tablas Island, Romblon galing Marikina sa Metro Manila.

Ayon sa Dimple Star Transport, tatlong araw nalang kada-Linggo sila bumabiyahe galing at patunong Tablas Island.

Hindi tinukoy ng pamunuan ng Dimple Star Transport ang dahilan kung bakit sila magbabawas ngunit maaring isa rito ay dahil kakaunti lamang ang sumasakay na mga pasahero rito.