Romblon politicians join Duterte's PDP-Laban

Written by Eugene Mayor | Romblon News

Lumipat na ngayong araw ang mga kilalang politiko sa lalawigan ng Romblon sa Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan nina House Speaker Pantaleon "Bebot" Diaz Alvarez at Davao City 1st District Representative Karlo Nograles ang nasabing Oath Taking Ceremony.

Ilan sa mga lumipat at nanumpa ay sina Congressman Emmanuel Madrona na dating miyembro ng Nacionalista Party, at Vice Governor Otik Riano, Ilang Sangguniang Panlalawigan Members, mga alkalde at bise alkalde.

Nagkaroon rin ng Basic Membership Seminar para sa mga lumipat na politiko.