Lalaking kumakain lamang ng noodles, binaril sa San Agustin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Sugatan ang isang lalaki matapos itong barilin ng isang pang lalaki pasado alas-10 ng gabi nitong Sabado sa Barangay Buli, San Agustin, Romblon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Agustin Municipal Police Station, kumakain umano ng noodles ang biktimang si Raffy Romero, kasama ang kanyang mga barkada sa isang sari-sari store ng dumating ang suspek na si Jake Mindoro Mariño 30; kasama si Dario Pagayonan Laguya, 32, sakay ng isang pick-up truck.

Bumili pa umano ng sigarilyo ang suspek sa tindahn bago paputukan si Romeo. Agad na tumakas at tumakbo papalayo umano ang suspek matapos nitong mabaril ang biktima ngunit...

Read more: Lalaking kumakain lamang ng noodles, binaril sa San Agustin

Libreng libing para sa mahihirap, isinabatas sa San Agustin, Romblon

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Ganap ng isang batas libreng serbisyo ng libing para sa mahihirap sa bayan ng San Agustin na inapbrubahan ng Sangguniang Bayan at nilagdaan na ito ni Mayor Esteban Santiago F. Madrona.

Ang Municipal Ordinance No.7-2016 - An Ordinance establishing guidelines in the provision of Free Burial Services for the Poorest of the Poor of San Agustin, Romblon ay mabilis na umusad at agad na naipasa sa konseho dahil sa karamihan ng mga konsehal ay pumabor dito.

Layunin nito ang mabigyan ng agarang tulong ang bawat pamilyang walang kakayahang pinansyal para sa marangal, maayos at disenteng serbisyo sa kanilang patay ng sa...

Read more: Libreng libing para sa mahihirap, isinabatas sa San Agustin, Romblon

Fish Landing ng BFAR sa Bgy. Carmen, San Agustin, pinasinayaan na

Written by Dennis M. Manzo | PIA - IVB
  • Pinterest

Pinasinayaan na kamakailan ang bagong Community Fish Landing Center (CLFC) na ipinatayo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)- Mimaropa sa Barangay Carmen, San Agustin, Romblon sa pangunguna ni Mayor Esteban Santiago F. Madrona.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng Php3 milyon ng BFAR-Mimaropa upang matulungan ang mga mangingisda sa naturang bayan sa kanilang hanapbuhay.

Ayon sa pamunuan ng BFAR Romblon Field Office, ang paglalagay ng pasilidad ay naglalayong mai-preserba ang kanilang huling isda kapag hindi pa ito naibenta kaagad at dito rin isasagawa ang bentahan ng isda sa mga namamakyaw.

Inaasahan naman ng BFAR na mapangangalagaan ang pasilidad...

Read more: Fish Landing ng BFAR sa Bgy. Carmen, San Agustin, pinasinayaan na

Heavy Rain causes brown out in parts of Tablas

Written by Jackey Tapao | Romblon News
  • Pinterest

Thunderstorm ang pangunahing dahilan kung bakit nakakaranas ang ilang bayan sa Romblon ng malakas na ulan ngayong hapon.

Ayon sa advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong 12:35 ng tanghali, dalawang oras makakaranas ng thunderstorm ang probinsya ng Romblon ngayong hapon.

Dahil rin sa malakas na ulan, ilang papasok na ngayong tanghali sa mga opisina sa Odiongan ang pansamantalang na-stranded dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Nakaranas naman ng brownout ang bayan ng San Agustin dahil parin sa tuloy tuloy na pag-uulan.

...