Ilang gasulinahan sa Romblon, nagtaas-presyo na dahil sa TRAIN Law

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

http://www.panoramio.com/photo/109181747http://www.panoramio.com/photo/109181747

Nagtaas na simula ngayong araw ang presyo ng mga gasulina, diesel sa Odiongan, Romblon dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong December 19 ng nakaraang taon.

Batay sa price monitoring ng Sunswest Water and Electric Co., Inc. o SUWECO, umakyat na ang gasulina ng PETRON Station sa Odiongan, Romblon sa Php57.30 galing sa presyong P54.20 nitong nakaraang araw.

Ayon sa pamunuan ng PETRON, ngayong araw dumating ang kanilang supplies ng langis at dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay tumaas na ang presyo nito.

Inaasahang sa susunod na mga araw ay tataas na rin ang presyo ng gasulina at diesel sa iba pang mga tindahan langis sa lalawigan.