Pawikan, nailigtas ng mga mangingisda sa Romblon, Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 16 March 2016

Isang pawikan ang natagpuan at nailigtas ng mga mangingisda sa Barangay Sablayan, Romblon, Romblon kaninang umaga, March 16.

Ayon sa pinadalang report ni Rose Romblon sa Romblon News Network, ang nasabing pawikan ay napagalamang Hawksbill Sea Turtle.

Wala naman umanong nakitang sugat sa pawikan.

Agad naman umano itong naibalik sa dagat sa tulong ni Christopher Marino, Presidente ng Pawikan Inc. sa bayan.