Barko ng Montenegro Lines, sumadsad sa Romblon Port

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 15 December 2015

Isang barko na nagkubli sa Romblon, Romblon ang sumadsad sa pangpang malapit sa pantalan matapos na itulak ng malalakas na hangin habang nanalasa si Nona sa probinsya.

Ayon sa Montenegro Shipping Lines Inc. na may ari ng barko na sumadsad, wala umanong sakay ang barko na mangyari ang aksidente.