Bong Fabella, tatakbo ring pagka-Congressman ng Probinsya

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 16 October 2015

Naghain na rin kaninang umaga ng certificate of candidacy si incumbent Calatrava Mayor Bong Fabella sa opisina ng Commision on Election sa bayan ng Romblon, Romblon. Si Fabella ay tatakbong independent sa pagka-Congressista ng probinsya.

Kapansin-pansin ring naka-tsinelas si Fabella ng magtungo sa opisina ng COMELEC.

Sa Facebook Post ni Fabella, sinabi nitong pinapaubaya niya na ang kanyang kapalaran sa mga mamayan ng Romblon.

"Ipauubaya ko ang aking kapalaran sa pulitika sa inyong mga kamay at kung ako ba ay nararapat ng inyong pagtitiwala." pahayag ni Fabella.

Sinabi rin nitong kung ano ang nagawa niya sa bayan ng Calatrava ay maari ring magawa sa probinsya.

"Ang siyam na taon kung pagiging Alkalde ng Bayan ng Calatrava ang siyang nagpapatunay ng aking kakayahan at tapat na serbisyo." dagdag ni Fabella.

Makakalaban ni Fabella si dating Judge Jose Madrid at si incumbent San Agustin Mayor Emmanuel Madrona.