Negosyante, patay sa pananaksak sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Dead on the spot ang isang negosyante sa Barangay Agnaga, Romblon, Romblon kagabi, February 11, matapos na gantihan ng saksak ng nakaalitang lalaki.

Sa report na nakarating sa opisina ni Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan ng Romblon Provincial Police Office, bandang alas-8 kagabi nang lumabas ang biktimang kinilalang si Levy Marron Martos, 63, sa kanyang bahay para tingnan kung sino ang lalaking nagsisigaw sa kalsada.

Bigla umanong dumaan ang suspek na kinilalang si Joynes Fesarit Rapol, 36, at nakaalitan ang biktima.

Nagkaroon sila nag mainit na pagtatalo hanggang sa bumunot ng kutslyo ang suspek at sinubukang saksakin ang biktima ngunit nakatakbo ito at nakauwi sa kanyang bahay.

Ilang minuto ang nakalipas ng bumalik umano si Rapol at kinumprunta ang biktimang si Martos na may dala ng bolo noong oras na yun.

Bigla umanong sinaksak ni Martos si Rapol at tinamaan sa kanyang tuhod ngunit gumanti si Rapol at sinaksak ng madaming beses sa katawan ang biktima hanggang sa matumba ito. Agad na nasawi ang biktima dami ng natamo nitong saksak at nawalang dugo.

Samantala, naaresto naman agad ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Gemie Mallen, ang suspek na maaring maharap sa kasong murder.