Ballot boxes para sa recount ng Congressional Race sa Romblon, kinuha na ng HRET

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Romblon Municipal Police StationPhoto Courtesy of Romblon Municipal Police Station

Kinuha na sa Regional Trial Court Branch 81 ng mga tauhan ng House of Representatives Electoral Tribunal ang mga balota noong nakaraang Eleksyon 2016 kung saan nanalo sa pagka-Congressman ng lalawigan ng Romblon si Emmanuel Madrona kontra kay Robert Fabella.

Matatandang 255 lamang ang lamang na boto ni Madrona kay Fabella na nakakuha ng 56,228 na boto noong nakaraang eleksyon kaya naghain ang huli ng election protest sa House of Representatives Electoral Tribunal.

Ang mga kinuhang balota ay idadaan sa manual recount matapos paboran ng House of Representatives Electoral Tribunal ang hiling ni Fabella na manual recount sa aabot na 40 contested precinct.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Congressman Emmanuel Madrona at dating Calatrava Mayor Robert Fabella kaugnay rito.