LOOK: 19 Policewomen to compete for the title of Ms. GandaPulis 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

19 na policewomen ng iba't ibang Municipal Police Stations sa Romblon ang maglalaban-laban para sa iisang korona, ang pagiging Ms. GandaPulis 2018.

Gaganapin ito sa Romblon Public Plaza sa January 11, at isa sa mga magiging highlight event ng Biniray Festival ngayong taon.

Sinabi ng Romblon Police Provincial Office na layunin ng event na mas ma-empower pa ng Philippine National Police ang mga kababaihang kapulisan, gayun na rin ang iba pang mga babae sa pamamagitan ng pagpapakita ng kagandahan.