#WalangPasok: January 12 in Romblon town for the Biniray Festival 2018

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Walang Pasok ang lahat ng ahensya ng gobyerno at pampublikong paaralan sa bayan ng Romblon, Romblon sa araw ng Biyernes, January 12, para bigyang daan ang kapyestahan ni Sr. Sto. Niño de Romblon at ang Biniray Festival 2018 Parade.

Ang suspension ng trabaho at pasok sa mga paaralan ay pinagtibay ng Executive Order No. 1-2018 ng Romblon, Romblon na nagtatalaga bilang Municipal Holiday sa January 12, 2018.

Inaasahang dadagsain ng mga deboto ni Sr. Sto. Niño de Romblon ang bayan ng Romblon, Romblon para saksihan ang "Tonton" ang ang taunang Biniray Festival kung saan maglalaban laban muli ang iba't ibang barangay sa isang street dance competition.