Security at Traffic plans para sa Biniray Festival 2018, pinaghahandaan na

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Pinaghahandaan na ng iba't ibang ahensya sa Romblon ang security plan kaugnay sa pagdiriwang ng Biniray Festival 2018  sa Romblon sa susunod na Linggo.

Nagpulong na ang mga hepe ng Romblon Municipal Police Station, Coast Guard Station Romblon, Bureau of Fire Protection, PNP-Maritime Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Barangay Captains, at mga Traffic Enforcers.

Naglatag na rin ng traffic management plan ang grupo para sa gaganaping parada paikot sa bayan gayun na rin ang mismong Biniray kung saan iikot sa dagat ang santong si Sto. Niño de Romblon.

Inaasahang aabot sa mahigit 5,000 mga bisita ang dadalo ngayong taon sa Biniray Festival 2018.