Wanted sa Romblon dahil sa paglabag sa Anti-Carnapping Act, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado nitong hapon ng November 16 ang number eight (8) Most Wanted Person ng bayan ng Romblon, Romblon sa isinagawang operasyon ng Romblon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Senior Inspector Gemie Mallen.

Kinilala ang suspek na si Jesson Riano Rubio o mas kilala sa alyas na "Jay", 38 anyos, at dating residente ng Barangay Agnaga, Romblon, Romblon.

Ayon sa news release ng Romblon Municipal Police Station, ang suspek ay may kasong paglabag sa Republic Act 6539 o sa Anti-Carnapping Act.

Sinabi ng Romblon Municipal Police Station na namukhaan ng mga intelligence sources ng PNP ang suspek nang ito ay umuwi sa Barangay Agnaga para bumisita sa kanyang mga magulang kaya agad itong hinuli sa operasyon ng pulisya.

Dinala na ang suspek sa korte para iharap sa Regional Trial Court Branch 81.

Maaring makalaya si Rubio kung magbayad ng piyansang P180,000 sa korte.