Tourist disappointed after seing this at Romblon Landmark

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isang netizen ang nagpadala ng nagreklamo sa Romblon News Network kaugnay sa mga batang nakatambay at nakaupo sa I Love Romblon landmark sa bayan ng Romblon, Romblon.

Ayon sa turistang galing pang Lapu-Lapu City, balak sana nilang mag pa-picture sa landmark ngunit may mga batang tambay umano ng oras na iyon.

"Gusto ko lang sana ipaabot sa namamahal sa Romblon Romblon na sana disiplinahin nila yung mga batang nakaupo dun," ayon sa Netizen.

Ayon naman sa Romblon Provincial Tourism Office, ipapadala nila ang litrato kasama ang reklamo sa Tourism Officer ng Romblon, Romblon para ma-aksyunan.