Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Isang lalaki sa bayan ng Romblon ang napatay sa pamamaril kagabi sa Barangay 4, Romblon, Romblon.

Kinilala ng Romblon Municipal Police Station ang biktima na si Mark Anthony 'Hanon' Andres Arboleda, 44-years old, isang tricycle driver at residente ng nabanggit na Barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, bandang 9:10 kagabi ng pagbabarilin umano ng di pa tukoy na salarin ang biktima. 

Nagtamo umano ng limang tama ang biktima sa katawan na agad niyang ikinasawi.

Agad naman umanong nakatakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang nasabing pagpatay at kung sino ang mga salarin.

Si Arboleda ay dati na umanong sumuko sa Oplan Tokhang ng kapulisan at number one drug personality rin umano siya ng Romblon Municipal Police Station ayon kay Provincial Director Leo Quevido ng makausap ng Romblon News Network sa Calapan City nitong Huwebes.