5 pasahero ng lumubog na bangka, nailigtas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News
  • Pinterest

Aabot sa 5 pasahero ng maliit na bangka ang nailigtas ng Coast Guard ng lumubog ito sa bahagi ng dagat malapit Romblon Island sa Romblon kaninang tanghali.

Ayon sa Coast Guard Station Romblon, biyahe sana ang maliit na bangka galing Barangay Sablayan, Romblon patungong Tablas Island, Romblon nang masiraan at lumubog ito.

Agad namang nailigtas sila at dinala na pabalik sa Romblon Port sa Romblon.

May kalakasan umano ang alon na nararanasan ngayon sa dagat na bahagi ng RomblonI Island.