MB Consuelo, nastranded sa gitna ng dagat matapos masiraan ng makina

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Photo Courtesy of Jhan-Romeo Mijares-Miñon RomanoPhoto Courtesy of Jhan-Romeo Mijares-Miñon Romano

Na-stranded ng 30 minuto ngayong umaga ang mga crew at halos 60 pasaherong sakay ng motor banca na may pangalang MB Consuelo sa gitna ng Romblon Island at Tablas Island matapos masiraan ang nasabing motorbanca ng makina.

Biyaheng Romblon, Romblon patungong San Agustin Port sana ang bangka.

Ayon kay Jhan Romano, isa sa mga pasahero ng bangka, naputol ang propeler ng bangka kaya nagpalutang-lutang sila sa dagat.

Nagpadala na rin ng rescue ang Coast Guard Station-Romblon para mahila ang nasabing bangka at mga pasahero patungong San Agustin Port.