116th Foundation at 72th Liberation Anniversary ng Probinsya, ginunita

Written by Mikko Molino | Romblon News
  • Pinterest

Photo Courtesy of Romblon Police Provincial OfficePhoto Courtesy of Romblon Police Provincial Office

Walang pasok ang lahat ng paaralan, at opisina sa buong lalawigan ng Romblon bilang bahagi ng paggunita ng 116th Foundation Day & 72nd Liberation Day ng probinsya.

Sa bisa ito ng inilabas na Memorandum Order No. EF03-006, s. 2016 ng tanggapan ni Governor Eduardo C. Firmalo na may petsang March 3, 2016, idineklarang Special Non-working Public Holiday ang ika-16 ng Marso kaya walang pasok sa lahat ng opisina (gobyerno o pribado) at antas ng mga eskwelahan sa buong lalawigan.

Ang inilabas na Merorandum Order ng tanggapan ni Governor Firmalo ay batay sa R.A. 9642. “An Act Declaring March 16 of every year as Romblon Foundation Day and a Special Non-working Public Holiday in the Province of Romblon.”

Sa Romblon, Romblon; nagsagawa ng misa sa harap ng Provincial Capitol Building ang mga empleyado ng gobyerno kasama sina Governor Eduardo Firmalo, Vice Governor Otik Riano, mga Sanguniang Panlalawigan, mga empleyado ng Romblon State University at mga kapulisan ng Romblon.

Nagkaroon rin ng Civic Parade palibot sa bayan at nag-alay ng bulaklak sa kinatatayuan ng Liberation Marker.