De Luna reappointed as President of Romblon State U

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 12 April 2016

Muling iniluklok ng mga miyembro ng Board of Regents ng Romblon State University sa pangunguna ni CHED Chairperson Patricia B. Licuanan si Dr. Arnulfo De Luna bilang Pangulo ng Unibersidad.

Sa special board meeting na isinagawa sa opisina ng Commission on Higher Education sa Diliman, Quezon City, nanumpa si Dr. De Luna.

Ayon sa source ng Romblon News Network, ang nasabing reapointment ay binatay sa kanyang nagawa sa kanyang unang termino bilang Pangulo ng Unibersidad.

Si President De Luna ay maglilingkod sa unibersidad hanggang taong 2020.