Top 6 Most Wanted Person ng Odiongan, timbog sa mga pulis

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Timbog sa isinagawang manhunt operation ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Alvimar Flores ang top 8 most wanted person ng bayan ng Odiongan nitong January 06 ng madaling araw.

Nakilala ang nahuli na si Jimli Esteban, 32 taong gulang, at residente ng Sitio Karong, Barangay Rizal, Odiongan, Romblon at may kasong rape nong 2014.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, agad silang kumilos matapos na matunugan na nandun sa nasabing lugar ang kanilang suspek.

Nahuli si Esteban sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court 82 noong May 12, 2014 sa paglabag sa Republic Act 8353 o Rape.

Ayon sa warrant of arrest, hindi makakapag piyansa si Esteban.