LGU Odiongan nagkaloob ng kabuoang PhP300K para sa mga biktima ng bagyo sa Tres Islas

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 23 December 2015

Nagkaloob ng tag-P100,000.00 ang local government unit ng Odiongan sa tatlong bayan ng Concepcion (Sibale), Corcuera, at Banton na lubhang nasalanta ng bagyong Nona nitong nakaraang linggo.

Kinomperma ito sa pamamagitang ng text message na pinadala ni Vice-Mayor Mark Anthony Reyes sa Romblon News.

Ayon kay Reyes, pinangunahan ng mga Sangguniang Bayan Members ang nasabing hakbang upang makatulong sa tatlong islang nasalanta ng bagyo.