RSU-ICJE records 67.07% passing rate on October 2015 Criminologist Licensure Examination

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 26 November 2015

Umabot ng 55 na graduate ng Romblon State University Main Campus - Institute of Criminal Justice Education (ICJE) o 67.07% ng 82 na nag exam ang nakapasa sa katatapos lang na October 2015 Criminologist Licensure Examination na ginanap sa mga lugar ng Manila, Antique, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao and Zamboanga.

Ang nasabing resulta ay mas mataas ng halos 40% sa nakuha ng Erhard Systems Technological Institute na nag-offer rin ng parehong courses.

Ayon sa inilabas na datus ng Professional Regulation Commission, 9,671 lamang sa 29,591 na kumuha sa buong PIlipinas ang nakapasa.

Taong 2011 nang unang i-offer ng Romblon State University Main Campus ang nasabing kurso at ang 55 na nakapasa ay ang mga unang estudyante ng RSU na kumuha na nasabing board exam.

Paalala naman ng Professional Regulation Commission maaring kumuha ang mga nakapasa ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa January 4 hanggang 7 sa susunod na taon.