Wanted sa kasong pananakit sa Odiongan, arestado sa Pangasinan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tiklo sa kamay ng pulisya ng Odiongan, Romblon ang Number 03 Most Wanted Person ng kanilang bayan dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o mas kilalang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marvin Fajila Yap, 24-anyos, tubong Odiongan at ngayo'y naninirahan sa Barangay Tcoco, Bayambang, Pangasinan.

Nasakute ang suspek sa Pangasinan nitong Lunes, Januar 08, sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong October 2015.

Nakakulong na ang suspek at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Romblon sa mga susunod na araw.

May piyansa ang kaso ni Yap ng P24,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Walang pang pahayag ang suspek.