Imbestigasyon sa kaso ni Rezin Galicha halos tapos na ayon sa PNP

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 28 September 2015

The last photo of Rezin Galicha taken August 17, day before her death. [She's located rightmost.] | Photo provided by: Alyssaandra Fetalvero

Halos tapos na umano ang imbestigasyon sa kaso ng pagpaslang sa estudyante ng Romblon State University Main Campus na si Rezin Galicha noong ika-18 ng Agosto ayon sa pamunuan ng Odiongan Municipal Police Station na may hawak sa kaso.

Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, hinihintay nalamang ng kapulisan sa Romblon ang resulta ng isingawang DNA testing at ng pagsusuri sa dalawang cellphones na nakuha sa crime scene noong ika-18 ng Agosto mula sa Cybercrime Unit at Crime Laboratory sa Camp Crame.

"Sooner or later... malalaman niyo nalang na naka-file na ang case sa korte." pahayag ni P/SInsp. Flores sa Romblon News.

Hindi naman pinapangalanan ng mga kapulisan ang suspect/suspects upang hindi ma-disturbo ang kasong kanilang isasampa sa korte.

Sinabi rin ni P/SInsp. Flores na maaring hindi nag-iisa ang suspect sa pagpaslang kay Galicha.

"One thing is for sure, meron ng suspect/suspects at malapit na malapit na kami para matawag na case solved at case cleared [ang kaso ni Rezin Galicha]." dagdag pa ni P/SInsp. Flores.

Sinabi rin ni P/SInsp. Flores na hinihimay himay nila lahat ng ebidensya at posibilidad para hindi msayang ang kasong isasampa nila sa korte.

Hiniling rin ni P/SInsp. Flores sa mga netizens na sana huwag silang siraan bagkos ay palakasin sana ang loob ng mga kapulisan na nakatutok sa kaso sa pamamagitan ng dasal.

"Kasama natin ang batas ng tao at batas ng Diyos. Kaya wala tayong dapat ikabahala." ayon kay P/SInsp. Flores.