Truck ng isang Construction Firm, binato ng bote ng mga lasing

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Iniimbestigahan ng Odiongan Municipal Police Station ang nangyaring pamamato ng bote sa windshield ng nakaparadang boom truck ng Aljimar Construction sa Barangay Poctoy nitong umaga ng Miyerkules.

Ayon sa report na nakarating sa Romblon Police Provincial Office, umaga ng Miyerkules nang makita umano ni Engr. Richard Fallega, Project Engineer ng Aljimar Construction, ang kanilang nakaparadang six-wheeler boom truck na wasak na ang windshield.

Sa harap naman umano ng truck ay nakita niya ang basag na bote ng red horse.

Hindi pa tukoy ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa pamamato ngunit patuloy ang kanilang ginagawang follow-up investigation kaugnay sa kaso.

Tinatayang aabot sa P10,000 ang halaga ng damage sa sasakyan ng construction firm.