No need for STL agents to get local business permit -- PCSO

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Hindi na kailangan ng local business permit ang mga operator ng Small Town Lottery kasama na ang papasok sa Romblon na Pines Estate and Gaming Corporation.

Ito ang pahayag ni Mr. Bam Urubio, Chief of Staff ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz nang makapulong ang mga Religous Group sa Legislative Building sa Odiongan nitong December 05 kasama sina Governor Eduardo Firmalo, Mayor Trina Firmalo-Fabic, mga Sangguniang Bayan Members, mga Barangay Captains, DILG, at ang Provincial Legal Council.

Ayon kay Uribio na pinadala sa Romblon ng Philippine Charity Sweepstakes Office, kung may reklamo umano at kontra sa Small Town Lottery ay idaan nalang sa proper forum.

Sinabi naman ng Legal Council ng Probinsya na kinakailangang may maipakita na papeles ang Philippine Charity Sweepstakes Office na nagsasabing hindi na kailangan kumuha ng business permit o Mayor's Permit para mag-operate ang mga STL Operators.

Sinabi na ng PCSO noon na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makakapigil sa operasyon ng STL.

“We will stop STL when the President tells us to stop,” ayon sa text message ni PCSO General Manager Alexander Balutan sa Philippine Star.

Hindi naman malinaw kung tuloy ang pagbubukas ng operation ng Small Town Lottery sa Odiongan sa araw ng Biyernes, December 08.